FAQs - Flip - Tagalog
Wednesday, 18 July 2018
Ano ang kailangang gawin sa aking kasalukuyang phone line matapos makakuha ng FLIP?
Maaari pa ring gamitin ang inyong current phone line, subalit para magkaroon ng full advantage sa FLIP domestic at international call rates, mas mabuting i-cancel na lamang ito kung ang inyong FLIP number ay alam na ng inyong pamilya at mga kaibigan.
Maaari ko bang gamitin ang FLIP mula sa ibang bansa?
Walang guarantee na ang FLIP ay magagamit ng maayos at hindi kami maaaring makapagbigay ng technical support para sa FLIP connections sa labas ng Japan.
Ang aking internet connection ay naging mabagal matapos makonekta ang FLIP.
Ang FLIP ay gagamitin ang bahagi ng inyong bandwidth. Kung ang inyong computer ay direktang nakakonekta sa FLIP, ang pagkokonekta ng router ay makakatulong sa download/upload speed. Kung ang inyong modem ay may built-in router, maaaring gumamit ng switching hub.
Kung ang inyong computer ay hindi direktang nakakonekta sa inyong FLIP PC port, ang download/upload speed ay hindi apektado ng FLIP. Sa ganitong pagkakataon, maaaring i-upgrade ang connection speed sa inyong internet service provider.
Ang aking Brastel Card ay walang sapat na credits nang ma-expire ang aking FLIP billing period. Ang card ay aking ni-recharge subalit hindi pa rin magamit ang aking FLIP.
Ang inyong FLIP monthly fees ay automatikong ibabawas isang linggo pagkatapos ng billing period. Kung ang inyong card ay wala pa ring sapat na credit pagkaraan ng isang linggo, ang inyong account ay pansamantalang made-deactivate. Para ma-reactivate ang inyong account, i-recharge ang inyong Brastel Card at tumawag sa Customer Service.
Ang card ay akin nang na-recharge subalit ang libreng minuto ay hindi pa rin nadadagdag.
Ang monthly fee ay ibabawas, at ang libreng minuto ay idadagdag lamang kapag nagsimula na ang next billing period. Halimbawa, kung ang billing period ay natatapos tuwing ika- 25 ng bawat buwan, ang libreng minuto para sa susunod na billing period ay idadagdag sa ika-26 ng bawat buwan.
Mayroon pa akong libreng minuto subalit hindi ako makagawa ng domestic calls.
Ang libreng minuto ay valid lamang para sa international calls sa inyong FLIP plan’s destination(s). Upang makagawa ng domestic calls or international calls sa ibang destinations, ang inyong Brastel Card ay kailangang may sapat na credits.
Bakit busy ang signal kapag sinusubukang kong tumawag?
Maaaring kayo ay nawalan ng connection sa aming server. I-check kung ang inyong FLIP terminal ay nakakonekta ng tama at maayos. Kung hindi, i-unplug ang main power ng FLIP terminal, maghintay ng isang minuto at muli itong i-“plug”. Kung hindi pa rin malutas ang problema, tumawag sa Customer Service para sa assistance.
Subscribe to:
Posts (Atom)