I-check lamang ang mga sumusunod:
- Ang inyo bang internet connection ay gumagana ng maayos?
- Kayo ba ay nag-install ng kahit anong “file sharing program” sa inyong computer?
- Ang inyo bang FLIP terminal ay nakakonekta ng tama at maayos?
Tingnan ang FLIP user guide upang ma-check kung ang lahat ng cables ay nakakonekta ng tama. Kung ito ay nakakonekta, maaaring ang inyong FLIP terminal ay nawalan ng connection sa internet. Para maibalik muli ang connection, sundan lamang ang sumusunod na pamamaraan:- I-shut down ang computer at i-unplug ang inyong FLIP terminal, router (kung mayroon man) at main power ng modem.
- I-plug muli ang main power ng modem at maghintay ng ilang minuto hanggang sa ito ay makonekta sa internet. Ang itatagal ng paghihintay ay depende sa klase o model ng inyong modem. Tingnan ang inyong modem’s manual para sa mga detalye.
- I-plug muli ang main power ng router (kung mayroon man).
- I-plug muli ang main power ng FLIP terminal.
- Gumawa ng tawag subalit huwag bubuksan ang inyong computer.
Kung ang problema ay magpatuloy, kumontak lamang sa Customer Service para sa assistance.
No comments:
Post a Comment